Ibinasura ng Department of Justice(DOJ) ang kasong kriminal laban sa information technology provider ng Land Transportation Office(LTO) na Dermalog.
Binaligtad ng DOJ ang nauna nang naging desisyon ng Quezon City Prosecutors Office na nagsasabing mayroong probable cause para kasuhan ng qualified theft ang mga opisyal ng Dermalog na sina Gunther Mull, Randolf Sitz, Michel Schutt at Lourilyn Ocampo.
Nag-ugat ang kaso sa P3.1 Billion IT project na iniward ng LTO noong 2018.
Sa desisyon ng DOJ sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na walang merito ang demand ng Verzontal Builders, dahil hindi ito pasok sa isang criminal case gayundin ay walang qualified theft.
Ang Verzontal Builders Inc na kinakatawan ni Silvestre Natividad ay nabigo umanong maka-comply sa kanilang deliverables na nakapaloob sa joint venture agreement kaya naman noong April 5, 2019 ay nagdesisyon ang Dermalog na umatras na sa joint venture at nagsabing babayaran nito ang anumang nagastos na ng Verzontal na umabot sa P228M.
Bagama’t hindi naka-comply sa kasunduan ay nagsampa ng reklamo ang Verzontal Builder dahil nais nilang 25% ng napagkasunduan sa kontrata ang siyang ibayad sa kanila ng Dermalog.
Una nang kinuwestiyon ni LTO Chief Teofilo Guadiz ang kakayahan ng Dermalog bilang IT provider ng LTO dahil sa nasabing kaso ngunit iginiit ni Dermalog Spokesperson Nikki de Vera na paninira lamang ang isinampang kaso laban sa kanila at mismong ang DoJ ang nagbasura nito.
Giid nde Vera ang Dermalog na isang Multi awarded biometrics innovator ang siyang IT service provider ng LTO, dahil sa kanilang online system ay 20 hanggang 30 minuto na lamang ang processing time sa LTO an dati ay inaabot ng ilang oras.
