Non- compliant employers binigyan ng SSS ng 15 araw para mag- comply mula nang matanggap ang written notice

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Social Security System (SSS) na binigyan ng 15 araw ang mga non- compliant- employer para mag- comply matapos na matanggap ang written notice.

Sa isang pahayag na inilabas ng SSS Daet Branch nitong Lunes, Agosto 8, maaari umanong mag- avail ang mga ito ng Pandemic Relief and Restructuring Program (PRRP 3).

Sa PRRP3 o Enhance Installment Payment Program ay maaaring mabayaran ng qualified employers ang kanilang past- due Social Security (SS) at Employee’s Contributions (EC) sa pamamagitan ng installment terms na nagri- range ng 9 – 60 months depende sa kabuuang halaga ng delinquency.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Tatanggap ng application ang  SSS hanggang November 21, 2022.

Ang qualified employers ay pinapayuhang bumisita sa SSS Daet Branch at makipag ugnayan sa mga naka- assign nilang Account Officer na siya ring mag-a-assist sa kanilang application.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan na nagsagawa ng Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ang SSS sa anim na non- compliant employers sa bayan ng Daet mahigit isang  linggo na ang nakakalipas at nag isyu ng written notice.

Anim na delinquent employer ang naisyuhan ng written notice dahil sa non- remittance ng contributions at non- reporting of employees na may kabuuang delinquency na nagkakahalaga ng P533.000 na nakaapekto sa 57 empleado.