Canada, muling pinalawig ang pagbabawal sa non-essential travel sa US

Inihayag ng gobyerno ng Canada na muli nilang pinalawig ang ipinatutupad na border restrictions nito sa non-essential travel sa Estados Unidos hanggang July 21, 2021.

Ayon kay Prime Minister Justin Trudeau, hangga’t marami pa ring kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa ay bawal munang tumawid ang mga mamamayan sa border nila patungong Amerika.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Dagdag pa ni Trudeau, nasa 20% pa lamang mula sa target nilang 75% ng populasyon ang nakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Kapag naabot na aniya ang kanilang target ay saka pa lamang luluwagan ang mga ipinatutupad na restrictions sa Canada.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Sinabi naman ni Public Safety Minister Bill Blair na ang naturang pag-extend sa border restrictions ay may kaugnayan sa pamahalaan ng Amerika.

Mababatid na nagsimula ang pag-ban ng non-essential travel sa mga borders ng Canada at Amerika noon pang Marso ng nakaraang taon.