Tuloy ang pagmo-monitor ng Department of Health sa ilang mga lugar kung saan ay mayroong naitalang bahagyang spike sa bilang ng mga COVID-19 cases.
Sa isang panayam, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong ilang lugar sa Metro Manila na nadagdagang muli ang mga kaso ng nakahahawang virus.
Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na hindi pa naman daw ito ‘significant’ o malala, at hindi pa rin napupunong muli ang mga hospital beds at facilities.
Ayon sa Health official, isa sa mga posibleng dahilan ng pagkakaroong muli ng COVID cases ay ang mga crowding na naitala sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang na rito ang mga isinasagawang campaign rallies at ang dagsa ng mga bakasyunista sa mga tourist spots nitong nagdaang Holy Week.
Dahil dito, tuloy ang panagawan ng tanggapan na tuloy pa rin sana ang publiko sa pagsunod sa mga minimum health public standards.
Muli rin nitong ipinaalala sa mga botante na ‘wag nang pumunta pa sa mga polling precints kung nakararanas na ito ng mga sintomas.
#