Camarines Sur Zero Covid new confirmed case muli

NAGA CITY- Alert Level 2 man patuloy ang pagbaba ng COVID active cases sa lalawigan ng Camarines Sur. Kahapon umabot na lamang sa 19 ang aktibong kaso habang walang nadagdag na bagong nag positibo.

Ito ay batay data ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Dalawa ang bagong gumaling kahapon kaya pumalo na sa 16, 295 ang nakarekober. 629 naman ang nasawi sa 16, 943 cumulative cases.

Kaugnay nito, kapansin-pansin ang malayang paggalaw ng mga residente, tumutungo na rin sa mga beach resorts at iba pang mga pasyalan.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Sa kabila nito sinabi sa Brigada News FM Naga ni Department of Health Provincial Officer Dr. Rey Millena, huwag makampante lalo na’t may mga bansang patuloy ang paghawa ng virus halimbawa nito sa South Korea.