CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Social Security System (SSS) sa mga pensyonado hinggil sa nalalapit na deadline ng pag comply sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) sa katapusan nitong buwan.
Sa panayam ng Brigada News FM kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo inihayag nito na sakop ng circular ang mga regular na pensyonadong naninirahan abroad, disability pensioners, surviving pensioners, at dependent pensioners.
Maaaring magtungo sa mga services office ng SSS sa Sta Elena, Labo at Jose Panganiban para sa residente ng mga nabanggit na bayan upang hindi na magsiksikan sa SSS mother branch.
Nagtatanggap naman ng ACOP form ang SSS Daet Branch at pwedeng isumite ang mga dokumento sa pamamagitan ng drop box.
Pero hindi kailangang magtungo ng personal sa SSS Branch dahil maari namang ma-download ang ACOP form sa sss.gov.ph
Ang paraan ng pagsusumite ay sa pamamagitan ng email o ipadala ito sa pamamagitan ng courier service kalakip ang litrato ng pensioner na may hawak na diyaryo na ang petsa ay ngayong March 2022 o mayroong background na nanood ng TV.
Kalakip nito ang photo copy ng dalawang valid ID na kasama ng ipapadala ng litrato.
Bukod sa ACOP form mayroong ipi- fill up at pipirmahang self -declaration na hindi nag asawa muli o nakipag leave in para naman sa surviving spouse.
“Isang requirements po diyan yung selfie na nakahawak ka ng newspaper or yung background mo yung nanonood kang TV basta yung date within the month ng mag su- submit ka, so ngayon na March mag i- end tayo March 31, dapat yung hawak mong newspaper na sa picture is dapat visible man yung date dapat within March 2022,” ani Robredo.
Kapag nabigo ang pensioner na mag comply sa ACOP ay otomatikong matitigil ang pagtanggap ng pensyon at aabutin ng dalawang buwan para sa panibagong proseso.
Exempted naman sa ACOP ang regular pensioner na hindi pa umaabot sa 85 anyos na nainirahan dito sa Pilipinas.
