NAGA CITY – Malaya pang nakakapasok ang mga turistang gustong bumisita at magbakasyon kahit nasa Alert Level 3 Classification pa ang Probinsya ng Camarines Sur.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Herbie Aguas, Regional Director ng Department of Tourism o DOT Bicol, sinabi nitong bagamat limitado na ang galaw ng mga tao ay wala pa namang nakararating sa kanya na hindi na tumatanggap ng mga turistang papasok ang isang Lokal na Pamahalaan bagamat na humigpit na ang ilan sa mga ito.
Nakadepende pa rin kasi aniya sa isang LGU kung hindi na sila magpapasok, maging ang mga requirements na dapat na maibigay ng isang turista o galing sa labas ng probinsya ay nakabase pa rin sa kanila, kailangan pa rin ang Vaccination Card , Rapid Antigen Test o RT-PCR Test sa mga hindi pa bakunado, hindi rin pinapahintulutan ang mga batang lumabas o bumiyahe.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang mga malalaking aktibidad katulad na lamang ng Fiesta, Basketball, tipon-tipon sa Karaoke Bar, Amusement at ang Sabungan.
Binigyang diin na kinakailangan na maging responsible ang isang turista o mga taong pumapasok at lumalabas hindi lang sa Camarines Sur maging sa buong rehiyon, lalo na isa sa mga tinitingnan ng DOT ngayon ay ang pagpositibo ng ilang pasahero matapos na suma-ilalim sa pangalawang test nila na nagiging dahilan ng malawakang pagkalat ng COVID 19 sa rehiyon ng Bicol.