Camarines Sur, naka Blue Alert Status na para sa posibleng epekto ng binabantayang LPA

CAMARINES SUR- Itinaas na ang Blue Alert Status sa Camarines Sur kaugnay ng posibleng epeko ng binabantayang LPA na tatawaging “Egay” oras na maging bagyo.

Ito ang inilabas na memorandum mula sa PDRRMC na pirmado ni Governor Luigi Villafuerte. Mababatid na ayon sa PAGASA uulanin ang rehiyon sa paglapit ng naturang sama ng panahon sa Luzon.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Pinatitiyak na operational 24/7 ang Emergency Operational Centers. Pinapasiguro rin na nakamonitor sa posibleng epekto nito.

Sa Libmanan, sinabi sa Brigada News FM Naga ni LRRRM 2 Jemuel Guerrero ng MDRRMO na ipinarating na nila ito sa mga barangay at mga katuwang na opisina. May memorandum na rin ang LGU.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ilang araw na rin silang nagmomonitor dahil sa pag-uulan, mabuti na lamang aniya at walang mga binahang lugar. Gayunpaman pinag-iingat ang mga nasa low lying areas.