Preacher binaril-patay sa Libmanan, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang preacher sa Libmanan, Camarines Sur matapos na barilin nang humingi lamang ng tubig.

Sa imbestigasyon ng PNP, nangyari ito bandang alas-6 ng umaga nitong Hulyo 19 sa Sitio Dinumpilan, Barangay Malinao. Napag-alaman na dalawang hindi nakilalang lakaki ang humingi ng tubig sa biktimang si Dindo Candellaria,  39-anyos, preacher ng Christian Bible Baptist Church.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa pagbigay ng tubig bigla na lamang pinagbabaril na tumama sa itaas na bahagi ng katawan ni Candelaria na naging daan sa pagkasawi nito. Nasaksihan ng kaniyang asawa ang krimen.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Nakuha ng mga otoridad ang apat na fired cartridge para sa kalibre 9mm.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PEMS Joel Bencolado, tagapagsalita ng Libmanan MPS, sinabing nagpapatuloy ang imbestigasyon, wala pa silang motibo sa krimen. Inaalam din ang profile ng biktima kung dati na itong may banta.