Camarines Sur Mayroon nang 12 naitalang kaso ng COVID-19 delta variant; ICU beds ng BMC critical risk na

NAGA CITY- 12 na ang reported COVID-19 delta variant cases sa Camarines Sur.

Ito ay batay sa record na inilabas ng Department of Health Bicol sa pangununa ni Regional Director Dr. Ernie Vera, pinakamataas sa rehiyon.

Isa ang bago sa Nabua kung kaya dalawa na sa bayan, isa sa Baao, tatlo sa Libmanan , isa sa Ocampo , gayundin sa Pili at apat sa Naga City.

Mabilis dumami ang kaso dahil mabilis makahawa ang mga variants of concerns.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kung pagbabasehan ang record ng Environment, Disaster Management, and Emergency Response Office (EDMERO) tumataas ang kaso. Mula noong Agosto 25, 32 ang naitala tumaas pa ito sa 48 cases kinaumagahan, Agosto 27 nairecord na ang 73 cases at may apat na nasawi. Mataas din ang kaso noong Agosto 28 na 77 at 74 nitong Linggo.  

Binanggit naman sa Brigada News FM Naga ni PDRRMC Head Che Bermeo inaasahan na ito nila, nangyayari aniya ito kapag lumuluwag ang quarantine classification ng National Capital Region. Matatandaan na ibinaba sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Metro Manila, Laguna at Bataan hanggang ngayong katapusan ng Agosto mula sa ECQ.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Samantala, dahil sa mataas na kaso High Risk na ang Isolation Facility sa Bicol Medical Center habang nasa critical ang ICU beds. Sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center o dating Bicol Sanitarium Moderate Risk na ang ICU Beds.

Una nang sinabi ni DOH Camarines Sur Officer Dr. Rey Millena na kailangan maghigpit upang hindi matulad sa ibang rehiyon ang Bicol na puno na ang mga health care facilities.