Construction worker, arestado sa ikinasang drug buy-bust operation sa bayan ng San Vicente

CAMARINES NORTE – Isang  Construction worker  ang naaresto ng pinagisang pwersa ng mga otoridad sa isinagawang drug buy-bust operation dakong 3:50 ng hapon nitong Agosto 30, 2021 sa Purok-3, Brgy. Man-Ogob, San Vicente, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si Robert Saenz y Imantog, 30 anyos, binate at residente ng Purok-3, Barangay Gahonon, Daet, Camarines Norte.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Nakuha sa nasabing operasyon ang  Isang (1) piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy bust drug); Isang piraso ng katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng tatlong (3) maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu; Isa (1) pang piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu ; at Isang Limandaang Piso (Buy-Bust money).

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang mga nakalap na iligal na droga ay may halagang humigit kumulang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (2,500.00)

Samantala, ang suspek at mga ebidensya ay nasa pangangalaga na ng San Vicente MPS para sa kaukulang disposiyon para sa paghahanda ng kaso laban sa kanya.