Camarines Sur isang bayan na lamang ang nasa critical risk ng covid-19 ; limited face-to-face classes sa kolehiyo, mahirap pa umano

NAGA CITY- Pitong mga bayan na lamang sa Camarines Sur ang nasa moderate risk sa COVID-19, 13 ang low risk kasama na rito ang dalawang lungsod at habang 16 naman ang nasa minimal risk subalit may isang nasa critical risk sa huling update ng Department of Health Bicol.

Tumataas man ang recoveries at bumababa ang nagpopositibo habang dumarami ang nababakunahan mahirap pa para kay Naga College Foundation President Dr. Mario Villanueva na magkaroon ng limited face-to-face classes sa lahat ng kurso maliban sa medical related courses nilang may limited face-to-face classes ngayon.

Mababatid na inanunsyo ni Acting presidential spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang hiling ng Commission on Higher Education o CHED na magkaroon ng limited face-to-face classes. Pero ito ay para sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1, 2, at 3 lamang. Inaasahang sisimulan ang Phase 1 sa Enero 2022.

Maikukunsidera sana aniya itong good news , indikasyon na bumaba ang kaso, sakali mang mayroon nang guidelines, pag-aaralan muna ng NCF kung maghahanda na rin sila para sa susunod na taon.

Pagpupunto ni Villanueva, daraan ito sa dialogo kasama ang mga magulang o guardians at mga mag-aaral, pangunahing isaaalang-alang ang kalusugan ng mga estudyante

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system