Camarines Norte State College tinanghal na top performing school ng Professional Regulation Commission

CAMARINES NORTE- Tinanghal ang Camarines Norte State College  bilang Top Performing School ng mismong tanggapan ng Professional Regulation Commission o PRC.

Matatandaan, Isinagawa ang Master Plumber Licensure Examination noong nakaraang Pebrero a 15 hanggang Pebrero 16, ngayong taon sa mga lugar ng NCR, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legaspi, Lucena, at Tacloban.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matapos lumabas ang resulta ng examination, halos nakuha ng Camarines Norte State college ang 100% passing rate nito,  halos nasa 1,244 ang nagtake ng exam kung saan 776 dito ayon sa PRC ay matagumpay na nakapasa sa examination.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Bukod dito, naging karangalan pa rin ng Camarines Norte State College lalo na ng bayan ng Labo matapos  na makapasok sa Top 10 ng Master Plumber Board Examination si Jeremiah Algem Burac Mendez na nakapang anim (6) sa examination na may 83.10% na general Average