MHO Mercedes muling magsasagawa ng COVID- 19 vaccination ngayong araw

CAMARINES NORTE- Muling magsasagawa ng COVID- 19 vaccination ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes ngayong Lunes, batay sa anunsiyo ng Municipal Health Office.

Ang mga babakunahan ngayong araw ay para sa first dose at mga naka schedule ng kanilang second dose gayundin ang mga nalagpasan na sa schedule na nakatala sa vaccination card.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Babakunahan din ngayong araw ang mga nakatapos ng second dose na may higit tatlong buwan na ang nakalipas para sa booster shot.

Kasama rin sa mga babakunahan ay ang mga edad 12- 17 anyos  para sa pediatric population.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Hinimok naman ng MHO ang publiko na huwag maniwala sa mga tsismis o sa mga impormasyong hindi nagmula sa medical professional ao health workers.

Ang lahat ay pinapayuhang sumangguni  sa mga Barangay Healthcare workers, Nurse, Nidwife o sa barangat Council para mga impormasyon patungkol sa bakunahan.