Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office nagsagawa ng Site Assessment and Validation sa bayan ng Capalonga Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Nagsagawa ng site assessment and validation ang Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office sa Brgy. Alayao, sa bayan ng Capalonga Casmarines Norte katuwang ang Pambayang Tanggapan ng Turismo ng nasabing bayan.

Matatagpuan dito ang Mt. Samat at ang anim na Talon nito na pawang may potensyal para sa eco-tourism na dinayo ng nasabing tanggapan upang alamin ang mga posibleng proyekto at programa na maaring gawin sa hinaharap para sa pag develop sa nasambit na lugar.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Mararating ang tuktok ng nasabing bundok na may taas na 1,640 feet above sea level sa loob ng isa hanggang isa’t kahalating oras na paglalakad. Matatanaw dito ang malawak na dagat pasipiko at ang mga nag gagandahang isla at kabundukan na sakop ng bayan ng Jose Panganiban at Capalonga.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Bukod dito may anim pang talon na may iba’t ibang taas at katangian na matatagpuan sa nasabing bundok. Sa mga nagnanais na makarating sa lugar, maaari umanong makipag-ugnayan muna sa barangay hall ng Brgy. Alayao para sa inyong kaligtasan at mabigyan ng eco-guide na aalalay sainyong paglalakbay.