CAMARINES NORTE – Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na muli itong magsasagawa ng institutional registration sa mga eskwelahan kasabay ng Brigada Eskwela ngayong Agosto.
Ayon sa ahensiya aktibong makikilahok ang Philippine Identification System (PhilSys) team sa mga gagawing ugnayan.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay aktibong nakilahok ang PSA sa Brigada Eskwela sa pamamagitan ng pagsasagawa ng step 2 registration sa iba’t- ibang eskwelahan.
Ngayong araw ang kick- off ng Brigada Eskwela sa lalawigan ng Camarines Norte at ang maikling programa ay gagawin sa Labo Elementary School.
Batay sa datos ng PSA Provincial Field Office umaabot na sa 471, 316 indibidwal o 90.02 % sa target na 523, 545 indibidwal edad limang taong gulang pataas ang rehistrado na sa PhilSys mula Hunyo 2021 hanggang nitong Hulyo 2023.
Umaabot naman sa 121, 424 na ePhilIDs ang naipamahagi sa buong lalawigan mula Enero hanggang nitong Hulyo 2023.
Dahil dito umaabot na sa kabuuang 224, 671 na ePhilIds ang naisyu sa mga Cam Norteños kung isasama ang datos noong nakaraang taon.
