Salt industry sa Batangas, muling bubuhayin

Pursigido ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region IV-A sa muling pagbuhay ng produksyon ng asin sa lalawigan ng Batangas.

Sa pagbisita ng BFAR-4A sa pamahalaang panlalawigan ay iprenesinta nila ang isang sea salt production project.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang naturang proyekto ay napiling isagawa sa Barangay Imelda sa San Juan.

Ayon sa mga kawani ng OPAg, akma anila na gamitin sa natukoy na lugar ang sun-drying method na paggagawa ng asin.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Kaugnay nito, inaasahang hindi lamang mapapataas ang produksyon ng asin sa probinsya, kundi matutulungan din ang mga marginalized fisherfolks ng nasabing lugar bilang mga benepisyaryo ng salt production project.

Pangangasiwaan ng OPAg ang proyekto at magbibigay naman ng mga materyales at iba pang technical assistance ang BFAR.