Hindi napigilan ni Dimples Romana na maging emosyunal sa kasal ng kanyang bestfriend na si Angel Locsin at Neil Arce.
Ibinahagi ni Dimples sa kanyang mga followers ang kanyang nararamdaman sa naging kasalan ng dalawa.
Sa kanyang instagram sinabi ni Dimples na tears of joy ang kanyang pag-iyak sa kasal ng kanyang BFF.
Pinasalamatan nito si Arce dahil binigyan umano nito ng kapanatagan ang puso ng kanyang ng best friend na tinawag niyang ‘Huling Bantay’ at alam niya umanong habambuhay itong mamahalin at aalagaan.
Maliban dito inamin din ni Romana na kinilig siya sa kasalan nina Angel at Neil.