CAMARINES NORTE – Nakapagtala ng anim napu’t anim (66) na pasyente ang gumaling sa sakit na dulot ng COVID-19 ayon sa Case Bulletin na ipinalabas ng DOH Bicol kahapon,
kung kaya umabot nang 858 ang kabuuang bilang ng mga naitalang nakarekober sa sakit.
Samantala, Muli na namang nakapagtala 19 na panibagong kaso ng sakit ang lalawigan ng Camarines Norte
Ang mga nagpositibo ay mula sa mga bayan ng Daet na may bilang na 10, tig-tatlo ang bayan ng Labo at Sta. Elena habang ang Capalonga, Paracale at Vinzons ay nakapagtala ng tig-i-isa na panibagong kaso.
Sa kasalukuyan 1227 na ang naitalang kaso sa lalawigan simula noong mag simula ang pandemya , 314 dito ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng isang (1) kaso ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan, kung kaya ito ngayon ay may bilang na 55.

