Minero timbog sa drug buy bust operation sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Timbog sa isinagawang buy bust operation kahapon ng umaga ang isang lalake  sa Purok 6, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Emman Caramoan y Reazon 23, minero at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa Camarines Norte Police Provincial Office nakabili sa suspek ang poseur buyer ng isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu sa pagsasagawa ng buy bust operation.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nakuha rin umano sa pag iingat ng suspek ang apat pang piraso ng maliliit na pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Tinatayang umaabot sa timbang na 0.2 gramo ang nakuhang iligal na droga na nagkakahalaga ng P1, 500.00

Ayon kay PNP Provincial Director PCol Julius Guadamor patuloy na isasagawa ng kapulisan ang paglilinis sa komunidad sa pamamagitan ng mga operasyon kontra sa mga iligal na gawain partikular na ang droga na banta umano sa kinabukasan ng mga kabataan na maaaring maging biktima nito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nasa kustodiya ngayon ng Paracale Municipal Police Station ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.