Camarines Norte nakapagtala ng 78 bagong kaso ng COVID-19, pangalawa sa highest one day tally na naitala simula ng maranasan ang pandemya

CAMARINES NORTE- 78 bagong kasong COVID-19 ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon

Ang naturang bilang ay pangalawa sa pinakamataas na bilang na naitala sa simula ng maranasan ang pandemya kung saan una ng nakapagtala ng 79 na bagong kaso noong September 02. 2021

Nangunguna sa may pinakamaraming bagong kaso ang bayan ng Daet na may 23, 22 kaso sa bayan ng Jose Panganiban, may 13 na kaso naman ang Labo at  9 sa San Vicente

Read More:  ‘Pakiring Goma’ rolls into fiesta as symbol of life in Kabankalan sitio

Habang may tig-tatlong kaso ang bayan ng Talisay at Vinzons, 2 kaso ang naitala sa bayan ng Basud at tig-iisang kaso ang Mercedes, Paracale at Sta. Elena 

Read More:  Motorcycle passenger killed in ambulance collision in Cebu

Bunsod nito, pumalo sa 3,392 ang total cases ng COVID-19 sa lalawigan dahilan rin upang umakyat sa 252 ang aktibong kaso ng sakit

Habang nananatili sa 2,943 ang total recoveries at 197 ang total death toll

Sa loob lamang ng dalawang araw ay naitala ang 140 new cases ng COVID-19 sa lalawigan