Camarines Norte nakapagtala ng 38 nakarekober sa COVID-19 kahapon

CAMARINES NORTE- Pumangalawa ang lalawigan ng Camarines Norte sa may pinakamaraming naitalang bilang ng nakarekober sa sakit na COVID-19 sa ulat ng DOH Bicol kahapon

Sa ipinalabas na Case Bulleting report ng DOH umabot sa 38 ang naitalang nakarekober dahilan upang umakyat ang biang ng mga pasyenteng gumaling sa 552

Samantala, kasabay nito ay naiulat ang tatlong panibagong kaso na nagmula sa mga bayan ng Daet, Jose Panganiban at Vinzons.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa kaslaukuyan ang lalawigan ng Camarines Norte ay may 306 na aktibong kaso sa 891 na kabuuang bilang ng naitatalang kaso ng sakit mula noong March 2020

Dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan, nagsasagawa ngayon ang apulisan ng mas pinaigting na checkpoint sa lahat ng mga lugar na madalas dagsain ng mga tao

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Mahigpit na binabantayan ngayon ang mga kasentruhan ng bawat bayan at maging ang kahabaan ng Cory Aqunio boulevard kung saan may mga ilang nasita ay pinagsabihan dahil sa hindi pagsunod  sa ipinapatupad na minimum health standards