Aksyon kontra paputok sa pagdiriwang ng holiday season pag uusapan ng iba’t- ibang ahensiya ngayong araw

CAMARINES NORTE – Nakatakdang magsagawa ng pagpupulong ngayong araw ang iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno at stakeholders kaugnay sa Aksyon Paputok Injury Reduction Campaign (APIR).

Layon nito na mapag usapan kung ano- anong mga hakbang ang maaaring gawin para maipagdiwang ang kapaskuhan at bagong taon nang ligtas at walang nadidisgrasya sa paputok.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Inaasahang ipipresenta ng Provincial Health Office ang mga datos ng fire cracker related injuries sa probinsiya sa nakalipas na mga taon.

Kabilang sa mga inimbitahan sa pagpupulong ay  ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Department of the Interior and Local Government, Department of Education at iba pang stakeholders.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Noong nakaraang taon, dalawa ang Firecraker related injury ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte.