Camarines Norte isa lang sa dalawang probinsiya sa Bicol na nanatiling “pertussis free”

CAMARINES NORTE – Nanatiling “pertussis” free ang Camarines Norte batay sa pinakahuling report Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health Bicol.

Isa lang ang Camarines Norte sa dalawang lalawigan sa Bicol na wala pang naitatalang kaso ng pertussis o whooping cough.

Ang pertussis ay lubhang nakakahawa at nakamamatay sa mga sanggol. Nakakahawa ito sa pamamagitan ng droplets mula sa pag-ubo o pagbahing ng taong mayroon ng sakit na ito.

Kabilang sa sintomas ay sipon, lagnat at ubo na tumatagal ng 1-2 linggo. Ang ubong-dalahit na ito ay maaring sundan ng pagsusuka, pangingitim o pag kulay asul ng pasyente dahil sa hirap sa paghinga.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, kung nakakaranas ng sintomas ay agad na magpatingin sa doktor at huwag basta bibili lang ng gamot.

Pinayuhan din nito ang mga magulang pabakunahan ang kanilang mga anak kontra pertussis.

Ayon sa DOH  21 na ang kaso ng pertussis sa buong Bivol region. Anim sa mga ito ang laboratory confirmed at labing-lima  ang clinical case. Mayroon na ding naitalang kaso ng pagkamatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *