Umabot na sa 4.8M ang bilang ng mga bagong botanteng nairehistro para sa 2025 national and local elections.
Batay sa datos ng Commission one Elections (COMELEC), ang kabuoang bilang ng registered voters ay umakyat na sa 4,827,794.
Lampas na ito sa unang tinarget ng COMELEC na 3 milyon.
Pinakamalaking bilang dito ay mula sa Calabarzon na may 801, 784.
Sinusundan naman ‘yan ng National Capital Region, Central Luzon, at Davao Region.
Mababatid na nagsimula ang voter registration period noong February 12, at magtatapos ito sa September 30.