Kinumpirma ng Department of Health na tatlong mga travelers na dumating sa Pilipinas mula sa South Africa, Burkina Faso, at Egypt ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 253 travelers mula sa South Africa, tatlo mula sa Burkina Faso, at 541 mula sa Egypt ang dumating sa bansa mula November 15 hanggang November 29.
Dagdag ni Vergeire, lahat ng nagpositibong resulta ay ipapadala sa Philippine Genome Center para sa whole-genome sequencing.

Sinabi naman nito, na pinoproseso pa ng DOH ang batch na subject sa genome sequencing para ngayong linggo. //MHEL PACIA-TRINIDAD