LEGAZPI CITY – Arestado ang isang businessman sa P-12, Brgy. Labnig bayan ng Malinao ,Albay dahil sa kasong Bigamy sa lungsod ng Tabaco.
Kinilala ang akusado na si Alyas Tony residente ng P-2 Quinastillojan, Tabaco City.
Ayon sa report, hapon ng puntahan ng mga awtoridad ang akusado at silbihan ng warrant of arrest sa nasabing lugar na pirmado noong Octobre 28 2021 dahil sa kasong Bigamy. Aabot sa P72K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Dagdag pa nito, nagreklamo ang orihinal na asawa sa Tabaco cps dahil sa mayroon umanong kinakasama ang kanyang mister na babae at nagbigay ito umano ng sapat na ibedensya upang masampahan ng nasabing kaso. Ang akusado ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.