Ipinagpaliban ng Senado ang approval ng proposed 2022 budget ng Department of Trade and Industry.
Ito ay matapos madismaya ni Minority Leader Franklin Drilon sa naging presentation ni DTI Secretary Mon Lopez.
Sa nasabing presentation ay nagbigay si Lopez ng update kaugnay sa mga napagtagumpayan ng ahensya kasabay ng pagdipensa nito sa proposed P24.69-billion budget ng DTI para sa 2022.

Ipinunto niya na tinatayang nasa 2-milyon na ang naitayong Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa bansa, na mas higit sa 1.7-million na nairehistro noong 2020 at 1.5-million noong 2019.
Nag-request naman si Drilon ng isa pang hearing para sa DTI budget upang mahingi rito ang real picture kaugnay sa mga kinahaharap na problema ng bansa.
Naobserbahan kasi ng senador na tila ay pinalalabas ng kalihim na walang problema na kinahaharap ang ekonomiya sa panahon ngayon sa kabila ng pandemya.