China bomoto sa PH para manalo ng pwesto sa intl body na nagpapatupad ng UNCLOS

Ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na isa ang China sa mga bansa na bomoto para sa Pilipinas para manalo ng pwesto sa international body na nagpapatupad ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang global legal framework na nangangasiwa sa lahat ng maritime activities sa mundo.

Giit ng top diplomat, bagama’t siguradong may mga pagkakaiba, sinubukan pero nabigong pag-isahin, ay may malalim na respeto ang bawat isa at may totoong affection.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Matatandaan na marami na ang mga inihain na diplomatic protest ang Manila laban sa Beijing sa mga nakalipas na taon, dahil sa encroachment ng China sa mga isla na pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Kaugnay nito, kinumpirma ng Philippine Mission to the United Nations (UN) sa New York, USA na nanalo ang Pilipinas ng seat sa Asia-Pacific Group ng Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS) matapos makatanggap ng 113 boto mula sa 164 member states sa ginanap na halalan, na nataon rin sa 32nd Meeting ng State Parties sa UNCLOS noong June 16.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ayon sa Philippine Mission to the UN, ito ang unang pagkakataon na ang bansa ay magsisilbi sa commission.

Samantala, pinasalamatan naman ni Locsin ang mga bansang pumili sa Pilipinas na maging bahagi ng CLCS. //MHEL PACIA