CAMARINES NORTE- Tiniyak sa publiko ni Camarines Norte Police Provincial Office Provincial Director PCOL JULIUS D GUADAMOR na ang kapulisan ng Camarines Norte ay handang-handa na para pangalagaan ang seguridad ng bawat lansangan at komunidad sa buong probinsya ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng kapaskuhan
Ito’y alinsunod na rin sa ipinalabas na bagong panuntunan ng Provincial Incident Management Team ng Camarines Norte sa ilalim ng Level 2 Category sa COVID 19 Classifications ang lalawigan
Asahan umano ng publiko ang mahigpit na pagbabantay sa curfew na magsisimula na alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 4:00 ng umaga,
Gayundin ang mga bata at menor de edad ay papahintulutan na ring lumabas ng kanilang tahanan kasama ng kanilang mga magulang at pati na rin ang lahat ng mga public utility vehicles na pinahihintulutan ng magsakay ng kanilang pasahero hanggang 70% seating capacity ngunit ang tricycle ay hanggang dalawang (2) pasahero lamang.
Muling pinaalalahanan ni PD GUADAMOR ang mga hepe ng pulisya lalo na sa nalalapit na ang “Christmas Rush” at mga Christmas Celebration na kelangan ang maayos na pagpaplano at paglalatag ng mga pulis dahil mas maigting na seguridad at protekyon ang kelangang ipatupad sa bawat barangay, mga kalye at mga establisyemento sa buong probinsya.
