BNFM BICOL—Inihayag ni Catanduanes Provincial Information Officer – Nikko Templonuevo na tanging mga APOR at essential travels pa rin ang tanging pinapayagan na makapasok sa islang lalawigan.
Ginawa ng opisyal ang pahayag makaraang ulanin ng samu’t-saring katanungan ang kanilang tanggapan maging ang Incident Management Team kaugnay ng magiging guidelines ng probinsya sa pagpapasok ng mga biyahero sa isla, ngayong nakasailalim ito sa Alert Level 4.
Ayon kay Templonuevo, ang mga sumusunod ay ang mga ikinokonsiderang essential travels na tanging pahihintulutan lamang sa border control point ng lalawigan. Kabilang dito ang:
- Medical purposes.
- Educational purposes.
- Mga balikan lamang na biyahe sa mula sa mainland para may asikasuhin.
- Immediate family ng namatay
- May appointment na kailangang lakarin sa mga government offices.
Kaugnay nito, nananatili namang requirement sa lahat ng mga biyahero ang paggawa ng S-PaSS acount; pagkuha ng Travel Coordination Permit; pag-presenta ng valid ID at negative RT-PCR test result.
Samantala, tanging ang mga APOR naman mula sa national government offices ang exempted at hindi kinakailangang mag presenta ng negative swab test result.###