Bungo at buto ng tao nakita sa isang damuhan

Isang bungo at ilang pirasong mga buto ng tao  ang nadiskubre ng isang menor de edad  sa may damuhan sa Brgy Lunzuran, Zamboanga City, ayon sa inilabas na ulat kahapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Police Station 5 Divisoria, ang nasabing human skeleton ay natagpuan, dakong alas -04:50 ng hapon ng mga menor de edad at mga kasamahan nito.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nakitang hiwa-hiwalay umano ang bungo at iba pang mga buto at bahagi ng katawan na hinalang itinapon sa may damuhan. Tinipon lamang nila ito at isinilid  sa isang plastic bago inireport kay Brgy. Chairman Joel Jose ng Brgy. Lunzuran na siyang nag-report sa Police Station 5 Divisoria nang nasabing lungsod.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Patuloy pang iniimbestigahan kung sino ang posibleng nagtapon ng mga buto sa damuhan at kung anong krimen ang dapat panagutan nang may salarin. Guen Delos Santos