Cardi B, panalo sa defamation lawsuit vs blogger

Nanalo si Cardi B ng $4 million sa libel lawsuit sa United States, laban sa celebrity gossip blogger, na nagpost ng claims na ang superstar rapper ay isa umanong “prostitute” na mayroong herpes at gumagamit ng cocaine.

Matatandaan na noong 2019, kinasuhan ng 29-anyos na rapper, ang YouTuber na si Tasha K, dahil sa pagpost ng “malicious rumors” at “degrading at harassing” claims sa 20 videos na tumutukoy sa famous artist.

Batay sa court filings, binigyang si Cardi B ng halos $2.75 million -kabilang na ang punitive damages at medical expenses — at karagdagang halos $1.3 million kaugnay naman sa legal fees.

Nabatid na kabilang sa mga akusasyon ng YouTuber, ay mayroon umanong oral herpes ang rapper at ang anak nito ay isisilang umanong mayroong intellectual disabilities, na umani ng milyon-milyong views sa YouTube.

Batay sa kaso, ang naturang mga akusasyon ay nagdulot kahihiyan, mental anguish, at emotional distress kay Cardi B. //MHEL PACIA-TRINIDAD