Bulkang Mayon, wala umanong improvement subalit hindi naman lumalala; volcanic tremors, maaaring maging indikasyon ng pagputok – PHIVOLCS

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na wala namang improvement sa Bulkang Mayon pagdating sa mga aktibidad nito subalit hindi naman lumalala ang kondisyon nito.

Ito ang kinumpirma ni PHIVOLCS Resident Volcanologist Dr. Paul Alanis sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Alanis, sa ngayon ay maaaring masabi na may mga parametrong tumaas ngunit mayroon namang bahagyang bumaba.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kasalukuyan pa rin naman umanong nakataas ang alert level 3 ng bulkan at hindi pa nila masasabi kung itataas ang status nito ngunit malinaw naman na hindi pa ito maaaring ibaba dahil mayroon pa ring lava flow, rock falls at uson.

Samantala, dagdag pa ni Alanis, maliliit lamang ang naitalang mga volcanic tremors sa bulkan bagama’t kanilang binabantayan hanggang ngayon kung lumalakas o patuloy na dumadami.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang tremors umano ay isang indikasyon na mayroong gas bubbles na umaakyat mula sa ilalim ng bulkan at namumuo.

Ayon sa kanya maaari itong mag-indicate na nagsisimula na itong mag-ipon ng pressure at posibleng magkaroon ng pagputok.