Bulkang Bulusan nagtala lamang ng 1 volcanic quake sa nakalipas na magdamag

SORSOGON CITY–Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan na nangangahulugan na ito ay nasa abnormal status.


Base sa pinakahuling bulletin ng Phivolcs, isang volcanic earthquake lamang ang naitala sa nakalipas na magdamag, pinakamababa mula nang una itong magbuga ng abo noong June 5.


June 11 nang magtala ito nang pinakamataas na bilang ng volcanic quake na umabot sa 178, isang araw bago ang muling pagbuga ng abo noong June 12.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community


Samantala, bahagya ring bumaba ang volume ng sulfur dioxide (SO2) emission nito sa 1176 tons per day na nasukat kahapon, June 16.


Patuloy ang katamtamang pagsingaw ng bulkan sa taas na 250 metrong papunta sa hilagang-kanluran at kanluran timog-kanlurang direksyon.


Nananatili ring maga ang paligid ng bulkan base sa Ground deformation survey.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City


Una nang inihayag ni Phivolcs Director Renato Solidum na ang pagbaba sa ilang aktibidad ng bulkan ay hindi nangangahulugang tahimik na ito dahil posible anyang nag-iipon lang ito ng pressure.


Kaugnay nito ay patuloy din ang paalala ng Phivolcs sa publiko na bawal ang pagpasok sa 4 km Permanent Danger Zone (PDZ) at ibayong pag-iingat sa 2km extended danger zone ng Bulkang Bulusan.###