NAGA CITY – Nakakapaturok na ng 2nd booster dose ang mga nasa priority groups tulad ng mga medical frontliners, senior citizens at immunocompromised adults sa Naga City.
Sa loob ng tatlong araw na vaccination activities na ginawa sa SM City Naga mula noong Martes at nagtatapos ngayong araw na Biyernes, sinasabing marami sa mga nasa kategoriyang ito ang nagpa vaccine. Moderna, Pfizer at Sinovac ang booster sa mga ito.
May ilang mga punong barangay sa Naga City ang nagpahayag na rin na interesado na rin silang magpa 2nd booster shot, hinihintay na lamang nila ang go-signal ng city government.
Isa na rito si Punong Barangay Efren Nepomuceno ng Barangay San Francisco, na nakapanayam ng Brigada News FM Naga na umaasang silang mga barangay officials na ang isusunod na i-booster shot.
Ayon kay Nepomuceno, walang masama sa nagpapabakuna patunay nito ang wala ng nagkakasakit sa lungsod na may sintomas ng COVID-19 dahil ang mga ito ay mga bakunado na.