Nag aalok ng scholarship ang National Academy of Sports o NAS para sa susunod na school year.
Bukas ang scholarship para sa mga papasok na grade 7 at grade 8 students na interesado sa mga Olympic sports partikular ang Athletics, Aquatics (Swimming), Gymnastics, Badminton, Judo, Taekwondo, Table Tennis at Weightlifting.
Maliban sa scholarship program, ang mga mapipiling student-athletes ay may matatanggap rin na incentives katulad ng libreng tuition, libreng board and lodging sa NAS dormitory, allowance, at pagkakataon na mai-representa ang bansa sa mga international competitions.
Samantala extended hanggang June 30 ang pagtanggap ng National Academy for Sports ng aplikasyon para sa scholarship.
Sa may mga katanungan, maaaring makipag ugnayan sa NAS sa [email protected] o via mobile phone, Viber o WhatsApp sa numerong 0976-038-3434/ 0976-037-8383.