BTS, ‘Squid Game’ wagi sa People’s Choice Awards

Nagwagi pareho ang K-pop group na BTS at survival Netflix series na “Squid Game” sa People’s Choice Awards.

Winalis ng BTS ang tatlong nominations sa ginanap na seremonya noong Martes.

Nasungkit ng global phenomenon ang “The Song of 2021” na pagkilala para sa kanilang single na “Butter”.

Nakuha rin nila ang “The Music Video of 2021” at ang “The Group of 2021” awards.

Naiuwi naman ng Netflix record-breaking hit series na “Squid Game” ang “The Bingeworthy Show of 2021” title.

Samantala, kinilala rin sa seremonya ang iba pang winners tulad nina Olivia Rodrigo, Dwayne Johnson, at Brittney Spears.