Military chief ng India at 12 iba pa, patay sa pagbagsak ng helicopter

Inanunsyo ng Indian air force na nasawi ang defense chief ng bansa na si General Bipin Rawat, ang asawa niya, at 11 iba pa mula sa pagbagsak ng helicopter.

Si Rawat ang unang chief of defense staff ng India, na unang itinatag ng gobyerno noong 2019, at nakikitang malapit kay Prime Minister Narendra Modi.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Base sa ulat ng mga otoridad ay bumabyahe ang 63-anyos na heneral kasama ang misis at 12 iba pa gamit ang Russian-made Mi-17 chopper nang mangyari ang aksidente sa may bahagi ng Coonoor, Tamil Nadu.

Makikita naman sa isang footage ng pangyayari ang pagkukumahog ng mga tao sa pagpapula ng apoy sa nawasak na helicopter gamit ang mga timba ng tubig.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Gamit naman ang isang improvised stretcher ay nagawa ng grupo ng mga sundalo na mabuhat ang isa sa mga pasahero nang papalayo mula sa insidente.

Inihayag naman ni Tamil Nadu forests minister K. Ramachandran na tinatayang nasa pitong bangkay ang kanilang narekober.