Pagpapakawala ng flares ng China sa aircraft ng bansa, unang beses na nangyari – AFP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na unang beses na nangyari pagpapakawala ng flares ng China Air Force sa aircraft ng bansa.

Ito’y kaugnay ng pinakabagong air incident sa Bajo de Masinloc.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Pero ayon kay Navy Spokesperson for the WPS ,Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, dati nang nakaranas ng pagpapakawala ng flares ang Philippine Air Force ngunit ito ay mula sa bases sa West Philippine Sea.

Sa kabila nito, muling iginiit ni Trinidad na hindi magpapatinag ang AFP na ipagpatuloy ang ginagawang maritime patrol hindi lang sa karagatan maging sa himpapawid.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Nauna ng sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na “very dangerous” ang ginawang aksyon na ito ng China.