BSKE sa Camarines Sur, Generally Peaceful

CAMARINES SUR- Mapayapa ang inisyal na assessment ng Camarines Sur Police Provincial Office sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections.

Ito ay sa kabila ng maiulat na umano’y vote buying sa San Vicente , Bato Camarines Sur. Sa Oplan Kontra Bigay o implementasyon ng COMELEC Resolution 10946, naaktuhan ang pamimigay papelitos o campaign materials at cash. Mayroon ding nairecord na umano’y grave threat na may koneksyon sa halalan.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ayon kay PMaj. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng CSPPO.  Aniya naging epektibo ang kanilang pakiusap sa mga kandidato pati mga botante, naging maaayos din ang koordinasyon nila sa mga katuwang na ahensya. Pasalamat din sa augmentation force ng PNP at iba pang mga sangay ng pamahalaan. 1, 748 ang deployed personnel sa mga voting centers.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ang lalawigan ay nanatili sa green category ng COMELEC, sana aniya magtuloy-tuloy ito hanggang sa maiproklama ang mga nagwagi.