1 botante sa Naga City mahaharap sa patung-patong na kaso  dahil sa panggugulo sa halalan

NAGA CITY- Mahaharap ngayon ang isang 65-anyos na lalaki sa Naga City sa kasong Alarms Scandal, Unjust Vexation and Direct Assault upon a Person in Authority dahil sa panggugulo nito sa loob ng polling precinct sa Mac Mariano Elementary School, Barangay Balatas, ng nasabing syudad.

Ayon sa ulat, pumasok ang suspek sa loob ng eskwelahan, pinagtaasan ng boses at pinagdiskitahan ang isang 58 anyos na guro.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Naalarma naman ang ilang mga botanteng nasa loob ng polling precinct at may mga inatake ng altapresyon rason para isugod ang mga ito sa hospital.

Habang inaresto naman ng mga awtoridad ang suspek at kalaunan ay dinala sa Police Station 6 para sa tamang disposisyon.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Sinabi ni PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office nagalit ang suspek dahil may naka pirma na sa kaniyang pangalan , may dayaan umanong nangyayari. Paliwanag naman sa lugar nagkamali ng pagpirma ang isa ring botante bagay na maaari naman aniyang maituwid ng malunanay.