BRP Teresa Magbanua, umalis na sa Sabina Shoal

Umalis na ang Philippine Coast Guard vessel na BRP Teresa Magbanua sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapos ma-tracked ng Automatic Identification System (AIS) data.

Read More:  8 SC hopefuls face public questioning for retiring justice’s seat

Nakita naman ang paglayag nito patungong Sulu Sea.

Ayon sa PCG, ang pagtatapon ng mga durog na coral malapit sa Escoda Shoal ng China Coast Guard (CCG) ay maaaring paghahanda para sa reclamation activities ng China.

Read More:  House prosecutors drop bribery charge against Sara Duterte

Maliban dito, posibleng magtayo ito ng mga istruktura na mas malapit sa Palawan kaysa sa pinagtatalunang Ayungin Shoal sa WPS.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon ang PCG kung ano ang dahilan ng naturang paglisan ng barko.