House Quad Comm, nakikipag-ugnayan sa NCRPO at CIDG para sa pag-aresto kay Harry Roque

Kinumpirma ni House Committee on Public Order and Safety Chairman Dan Fernandez na nakikipag-ugnayan sila sa Philippine National Police at Criminal Investigation and Detection Group para sa ikaaaresto ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Fernandez, walang sinuman ang nakaaangat sa batas at hindi nila kukunsintihin ang pagbalewala sa kapangyarihan ng Kongreso o pag-iwas sa pananagutan.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Kaya naman minabuti nilang makipagtulungan sa National Capital Region Police Office at CIDG upang mapabilis ang pag-aresto kay Roque.

Nai-deploy na ang mga pulis sa Antel Corporation Centre sa Makati kung saan umano huling nakita si Roque ngunit wala ito doon.

Suspetsa umano ng mga awtoridad na nagtatago na si Roque dahil sa pagkakasangkot nito sa Lucky South 99 POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Kinondena rin ni Fernandez ang hakbang ni Roque at iginiit na direktang paghamon ito sa institusyon kaya titingnan nila ang lahat ng legal avenues hanggang sa makamit ang hustisya.

Matapos ipa-cite-in-contempt ng House Quad Committee sa ikalawang pagkakataon ay itinuturing na umano na pugante si Roque dahil sa pagtangging isumite ang mga hinihinging dokumento sa kabila ng subpoena.