BRP Datu Sanday ng BFAR, binangga at binomba ng water cannon ng China

Nakaranas ng panibagong pangha-harass ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources mula sa walong Chinese vessels habang nasa isang humanitarian mission mula Hasa-Hasa Shoal patungong Escoda Shoal kahapon.

Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea, hinarang at pinalibutan ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at ng ilang China Coast Guard (CCG) ships ang BRP Datu Sanday sa pamamagitan ng delikadong maniobra, kabilang ang pagbangga, malakas na busina, at pag-deploy ng water cannons na nagresulta sa pagkasira ng makina ng barko, dahilan upang mapilitang itigil ang operasyon.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Maghahahatid lamang sana ito ng diesel, pagkain, at mga medical supplies para sa mga mangingisdang Pilipino.

Sa kabila ng insidente, nananatiling mataas ang morale ng mga tauhan ng BFAR at ligtas silang lahat.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Pinabulaanan din ng task force ang mga impormasyong may mga tauhan ng BFAR nahulog sa dagat at sinagip ng Chinese Coast Guard.

Muling nananawagan ang pamahalaan sa China na itigil ang mga agresibong aksyon na nagdudulot ng panganib sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon.