Walang takot na ipinost ng American pop star na si Britney Spears ang kaniyang nude photos sa Instagram.
Sa naturang larawan, makikitang nakahubad si Britney at tinatakpan lang ng kaniyang kamay ang kaniyang dibdib.

Ang maselang bahagi naman katawan, ay mayroon takip na heart sticker.
Ang larawan na may 800,000 nang likes ay pinaniniwalaang kuha bago niya malamang siya ay nagdadalang tao sa pangatlong anak.
Bago nito, may nauna pang nude photo na kanyang ibinahagi rin sa social media, na nilagyan naman niya ng caption na: “Don’t underestimate the power of doing it myself and shooting with a selfie stick!!! Photo dump before there was a child. inside me!!!”
Dahil dito, mga nag-aalala sa emotional stability ng singer, habang paniwala ng iba, nais lang ni Britney na maipakita ang kalayaan sa sarili matapos manalo sa kaso na conservatorship.