Mapua, nakaabot sa NCAA Finals sa unang pagkakataon sa loob ng 31 taon

Umabanse ang Mapua University Cardinals sa NCAA Finals sa unang pagkakataon sa loob ng 31 taon, matapos na makasurvive sa thrilling knockout game sa 70-67, dahilan para matanggal ang San Beda University Red Lions sa NCAA Season 97 Final Four.

Dahil dito, ang Mapua, na #2 seed na pumasok sa naturang series na may twice-to-beat advantage, ay makakaharap ang Colegio de San Juan de Letran Knights sa title series.

Ito ang magiging kauna-unahang appearance ng Cardinals simula noong 1991.

Si Arvin Gamboa at Brian Lacap ang umiskor ng 13 puntos bawat isa para pangunahan ang Mapua, habang si Paolo Hernandez ay nagdagdag ng 11 markers, kabilang na ang pito sa fourth quarter.

Samantala, ang San Beda naman ay matatapos na ang 14 consecutive finals appearances.

Ito naman ang magiging kauna-unahang NCAA Finals series na wala ang presensya ng Red Lions simula noong 2005.