British official, inuulan ng batikos dahil sa pahayag ukol sa COVID-19

Inuulan ng batikos si British health minister Sajid Javid matapos nitong himukin ang mga tao na matutong mabuhay na may COVID-19, imbis na matakot sa virus.

Noong nakaraang buwan ay pumalit si Javid bilang health minister matapos bumaba sa pwesto ng predecessor nito na si Matt Hancock dahil sa paglabag sa COVID rules sa pamamagitan ng paghalik sa office aide nito.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa Twitter ay ibinalita ni Javid na agad siyang gumaling mula sa mild symptoms ng COVID salamat sa bakuna.

Ayon sa British health minister, sa pamamagitan ng pagpapaturok ay kakayanin ng mga tao na mabuhay kasama ang virus, imbis na katakutan ito.

Kamakailan lang ay pinalitan ng Britain, na isa sa mga bansa na may pinakamataas na COVID-19 death toll, ang stratehiya nito sa paglaban sa pandemya.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Mas inaasahan ngayon ng naturang bansa na mapoproteksyunan ang mga mamamayan nito ng mga bakuna mula sa serious illness imbis na magpatupad ng mga restriksyon na maglilimita sa paglaganap ng virus.

Naniniwala ang mga opisyal na kinailangan ang naturang pagbabago sa stratehiya para matulungan ang mga negosyo sa ilang mga sektor gaya ng hospitality at night-time economy.