18 na panibagong kaso at 23 recoveries sa COVID-19 naitala sa Camarines Norte nitong weekend

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 18 na panibagong kaso at 23 recoveries ang lalawigan ng Camarines Norte nitong weekend

Sa ipinalabas na Case bulletin report ng DOH Bicol, nitong sabado naitala ang 6 na bagong kaso sa mga bayan ng Daet na na may 4 habang tigisang kaso naman ang naitala sa bayan ng Jose Panganiban at Vinzons  

Kahapon naiulat rin ang karagdagang 12 panibagong kaso kung saan tig-tatlong kaso ang nagmula sa bayan ng Daet at Sta. Elena, may tig- dalawang kaso naman ang bayan ng Jose Panganiban at Labo at tig-isang kaso ang bayan ng San Lorenzo Ruiz at Talisay

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kasabay naman ng mga panibagong kaso na naitala ay may 23 pasyente na tuluyan ng nakarekober sa sakit

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa kasalukuyan ang Camarines Norte ay may kabuuang bilang na 1,295 at mula sa naturang bilang 309 ang aktibong kaso, habang umakyat na sa 881 ang bilang ng mga nakarekober at nananatili naman sa 55 ang bilang ng mga nasawi sa sakit