Patay na sanggol, bumulaga sa mga motorista sa bayan ng Aborlan

Bumulaga sa mga dumadaang motorist at residente  ang isang patay na sanggol na lalaki sa bayan ng Aborlan Palawan.

Ayon sa Aborlan PNP, ito ay natagpuan ganap na 4:45 ng hapon, nitong  ika -24 ng Hulyo sa Km. 81 sa National Irrigation Administration (NIA ) Canal sa harap ng DENR Monitoring Station sa Brgy. Plaridel, Aborlan.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Isang Rolando Tillo ang maglilinis sana ng kanal nang makita niya ang patay na sanggol o fetus na palutang-lutang sa kanal.

Read More:  5 dead in Sorsogon City market fire, including mother and daughter

Samantala, binigyan ito ng maayos na kabaong at inilibing sa Sementeryo ng Plaridel.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang insidente.